Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ang mga serbisyo na may kinalaman sa Human Immunodeficiency Virus-Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV-AIDS) ay patuloy na ihahatid sa gitna ng pandemya.
Ito ang pahayag ng kagawaran kasabay ng paggunita sa World AIDS Day.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, patuloy na ibibigay ng pamahalaan ang mga serbisyo na layong mapigilan ang pagkalat ng HIV infection.
Ang mga dahilan sa paglaganap ng sakit ay kahirapan, gender inequality, marginalization at ignorance.
Iginiit din ni Duque na dapat manatiling nakatuon ang lahat sa mandatong mabawasan at mapigilan ang transmission.
Mula nitong Oktubre, nasa 735 confirmed HIV-positive individuals kung saan 96% ay mga lalaki.
Facebook Comments