Tiniyak ng Department of Health (DOH) na sapat ang suplay ng bakuna sa bansa para sa pinaikling pagitan ng booster shot ng COVID-19.
Ayon kay) Dr. Kezia Lorraine Rosario ng National Vaccination Operations Center (NVOC), ang desisyon ng Food and Drug Administration (FDA) na gawing tatlong buwan ang interval ng booster shot ay dahil sa banta ng Omicron variant.
Matatandaang inaprubahan ng FDA noong December 21 ang rekomendasyon ng vaccine expert panel na paiksiin sa tatlong buwan ang pagitan ng pagtuturok ng booster doses mula sa 6-month period.
Sa ngayon ay mayroong halos 200 milyong doses na bakuna ang bansa at 25 milyong bakuna pa ang inaasahang dadating bago ng taon.
Samantala, hindi pa inirerekomenda DOH ang pagbibigay ng booster dose sa mga pediatric groups o edad 12 hanggang 17 at tanging ang edad 18 pataas lamang ang papayagang magpaturok ng booster dose.