DOH, nakapagtala ng 261 na panibagong kaso ngayong araw

Nakapagtala ng 261 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Bahagya itong mataas kumpara sa 168 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 2, 837,784 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 9,238 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 395 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 2,777,630 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 50,916 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 122 ngayong araw.

Dalawang laboratoryo ang hindi operational noong December 20 at labing dalawa naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments