DOH, tiniyak na wala pang kaso ng Monkeypox sa Pilipinas

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na wala pang naitatalang kaso ng Monkeypox sa Pilipinas.

Ayon sa DOH, ang Monkeypox virus ay kumakalat sa pamamagitan ng close contact sa sugat, bodily fluids o respiratory droplets mula sa tao, hayop, o contaminated material.

Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, rashes, at pamamaga ng lymph nodes.


Tiniyak ng kagawaran na pinahigpitan na nila ang border screening ng bansa at pinaigting ang surveillance systems monitoring.

Paalala ng DOH, ang pagsunod sa minimum health standards ay makatutulong upang maiwasan ang transmission ng Monkeypox.

Nauna nang na-detect ang Monkeypox virus sa US, Canada, UK at ilang European countries.

Facebook Comments