DOH, tiniyak na wala pang nasasawi dahil sa bakuna

Nilinaw ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na wala pang naitatalang nasawi dahil sa COVID-19 vaccines.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Vergeire na simula nang umarangkada ang bakunahan noong Marso ay wala pang direct link na pagkamatay na maiuugnay dahil sa bakuna.

Ani Vergeire, ito ay mula mismo sa ebalwasyon ng ating mga eksperto.


Noong Abril, matatandaang nasawi ang 24 na indibidwal matapos mabakunahan kabilang na ang ilang health workers.

Una nang nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na ang pagkasawi ng mga ito ay hindi naman dahil sa bakuna o dahil na rin sa iba pa nilang karamdaman.

Majority aniya ng adverse effect ay mild lamang tulad ng lagnat at pagkahilo.

Facebook Comments