DOH, tiniyak na wala pang Omicron case na nakakapasok sa bansa

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na wala pang nakapapasok sa bansa na Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nananatiling dominant variant sa bansa ang Delta variant kung saan may ilang umuuwing mga Pilipino ang nakikitaan ng ganitong variant.

Base aniya sa 629 sample na sinuri ng Philippine Genome Center, 90.78% o katumbas ng 571 ang natukoy na bagong kaso ng Delta variant.


Tig-1 naman na Alpha at Beta variant ang naitala sa ginawang genome testing noong nakalipas na linggo.

Nakita aniya ito sa mga dumating na pasahero mula US, Iraq at Kuwait.

Inaabangan naman ng DOH ang resulta ng genome sequencing mula sa 12 Returning Overseas Filipinos mula South Africa.

Facebook Comments