DOH, tiniyak na walang masasayang na AstraZeneca vaccines

Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa publiko na ang lahat ng AstraZeneca vaccines ay magagamit at maituturok sa mga nakalaang benepisyaryo bago ito ma-expire sa Mayo.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may mga nakalatag ng istratehiya para hindi masayang ang mga bakuna.

Ang interval sa pagitan ng una at ikalawang dose ng AstraZeneca vaccine ay magiging apat hanggang dalawang linggo.


Karamihan sa COVID-19 vaccines ay mayroong shelf-life na hanggang anim na buwan.

Nabatid na unang dumating sa bansa ang 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines sa pamamagitan ng COVAX Facility ng World Health Organization (WHO).

Facebook Comments