DOH, tiniyak na walang transmission ng Indian COVID-19 variant sa bansa

Tiniyak ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na hindi nakahawa ang dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagpositibo sa Indian COVID-19 variant.

Ayon kay Duque, dahil sa mahigpit na border protocols agad na-quarantine ang nasabing mga OFW bilang pagsunod na rin sa isolation, testing at quarantine protocols.

Imposible rin aniyang ma-expose sa iba ang dalawa nang hindi nalalaman ng mga otoridad.


Kasabay nito, inirekomenda ni Duque ang mas mahigpit na border control sa mga pasaherong magmumula sa mga bansa sa Middle East, base na rin sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO).

Hihilingin din niya ang payo ng WHO kaugnay sa pagpapalawig ng travel ban sa mga bansang may kaso ng Indian variant.

Facebook Comments