DOH, titiyakin na hindi aabot sa 85,000 ang kaso ng COVID-19 sa katapusan ng Hulyo

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ginagawa nila ang lahat para mapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kasunod ito ng pagtaya ng mga eksperto mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) na posibleng umabot sa 85,000 ang COVID-19 cases at 2,200 ang mamamatay sa katapusan ng Hulyo kung hindi magbabago ang reproduction number ng virus at intervention ng gobyerno sa paglaban sa virus.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pagtaya lamang ito ng mga eksperto.


Pero gagamitin aniya nila itong basehan para gumawa ng mga paraan para hindi na umabot sa nasabing bilang ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments