Manila, Philippines – Tiwala ang Department of Health (DOH) na aaprubahan ng mga mambabatas ang panukalang taasan ang buwis sa tobacco at alcohol products.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – ang sin tax ay nakakapagligtas ng buhay, nagsusulong ng inclusiveness at ito ay isang protective health policy reform na layuning magkaroon ng isang healthier nation.
Malaki ang maitutulong ng sin tax upang mawaksi ng mga tao ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.
Kumpiyansa rin ang kalihin na makakapasa ito sa Kongreso lalo at ganap nang batas ang Universal Health Care Act.
Base sa panukala, itataas sa ₱3 ang ipapataw na buwis sa bawat stick ng sigarilyo o katumbas ng ₱60 kada pakete.
Facebook Comments