“Fire Prevention Month” campaign ng BFP, umarangkada na

82

Pormal ng magsisimula ngayong araw ang kampanya para sa Fire Prevention Month.

Uumpisahan ng BFP ang kampaniya sa pamamagitan ng isang motorcade at rally/walk.

May tema ngayong taon ang kampaniya ng BFP na “Ligtas na Pilipinas, ang ating hangad, pag-iingat sa sunog sa sarili ipatupad.”

Mababatid na tuwing sasapit ang buwan ng Marso ay madalas ang mga sunog dahil sa matinding init na nararanasan.

Paalala ng BFP sa publiko, laging tiyaking nakatanggal ang mga saksakan kung kayo ay aalis ng bahay para maiwasan ang sunog.

Facebook Comments