DOH, tiwalang bababa ang mga kaso ng mga nasasawi sa COVID-19 sa NCR Plus

Tiwala na ang pamunuan ng Department of Health (DOH) na unti-unting bumababa na ang bilang ng mga nasasawi sa COVID-19 sa National Capital Region (NCR) Plus pero hindi nangangahulugan na maging kampante na lamang ang kagawaran dahil kinakailangan umanong tutukan din ang pagtaas ng bilang ng mga nasasawi sa labas ng Metro Manila.

Sa ginanap na virtual briefing, iginiit ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na napapansin ng kagawaran na simula noong Mayo 7 ay may unti-unting pagbaba na ang mga naitatalang nasawi sa COVID-19 sa NCR Plus.

Paliwanag ni Vergeire, kapansin-pansin din umano ang pagtaas ng utilization rate sa mga pagamutan sa Region 2, Cordillera Administration Region (CAR), Region 6, 9, 10, 11, at 12, taliwas sa sitwasyon sa NCR Plus na bumababa ang kaso at lumuluwag na rin umano ang mga hospital.


Giit ni Vergeire, napakahalaga ang naturang sitwasyon dahil diyan umano ibinabatay nila ang kanilang magiging rekomendasyon ng mahigpit na quarantine.

Facebook Comments