Tiwala ang Department of Health (DOH) na makukumpleto na sa unang kwarter ng 2022 ang pagbabakuna sa 12.7 milyong kabataang edad 12 hanggang 17.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, 80-percent sa 12.7 million minors na may comorbidity na kanilang target ay matatapos na ang pagbabakuna sa Disyembre.
Kaya posibleng sa Enero aniya ng susunod na taon ay fully vaccinated na ang 12.7 milyong kabataan.
Sa ngayon ay naghahanda na ang DOH para sa kick off sa Nov. 3 ng pagbabakuna sa mga menor de edad sa National Capital Region (NCR) habang itinakda naman ang nationwide vaccination sa mga minor sa Nov. 5.
Facebook Comments