FULLY VACCINATED CLIENTS, TANGING TATANGGAPIN PARA SA FACE-TO-FACE CONSULTATION NG R1MC

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Tanging fully vaccinated individuals ang tatanggapin para sa face-to-face consultation ng Region 1 Medical Center Out- Patient Department.

Ayon sa abiso ng hospital, babalika ang operasyon ng face-to-face consultation nito sa ika-2 ng Nobyembre at tanging mga indibidwal na fully vaccinated kontra COVID-19 ang seserbisyuhan.

Bukas ito Lunes hanggang biyernes , 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
Sa araw ng sabado 8:00 ng umaga hanggang 12: 00 ng tanghali.


Kailangan pa ring magparehistro online sa Facebook page na R1MC Out-Patient Department upang mabigyan ng appointment.

Samantala, ang Telemedicine Consultation ay bukas naman para sa lahat ng kliyente ng hospital. ###

Facebook Comments