Tutol ang Department of Health na luwagan ang mga hakbang na isinasagawa ng pamahalaan laban sa COVID-19.
Sa isang panayam, iginiit ni DOH Sec. Francisco Duque III na dapat pang mapanatili ang Enhanced Community Quarantine para masigurong makokontrol ang pagkalat ng virus.
Inihalimbawa nito ang China kung saan tumagal ang lockdown doon ng 55 araw.
Ayon pa sa kalihim, kailangan nilang makapagsagawa ng mas maraming testing para makita ang totoong sitwasyon ng bansa sa gitna ng banta ng COVID-19.
Target ng DOH na makapagsagawa ng 8,000 hanggang 10,000 COVID-19 test hanggang sa katapusan ng Abril. Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng Inter-Agency Task Force ang posibleng pag-alis o pagpapalawig ng ECQ na magtatapos sa April 14.
Facebook Comments