DOH, tutol sa pag-alis sa COVID alert level system sa bansa

Kontra ang Department of Health (DOH) sa mungkahing alisin na ang alert level system sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang alert level system ang nagsisilbing gabay ng mga lokal na pamahalaan sa kanilang pagpaplano sa mga dapat ipatupad na hakbangin kapag tumataas o bumababa ang kaso ng COVID-19.

Aniya, maihahalintulad ito sa weather signals na nagsisilbing warning system sa Local Government Units (LGUs).


Kailangan aniyang maunawaan ng lahat ang tunay na kahulugan ng alert level system na hindi lamang pagdedeklara ng pagbaba o pagtaas ng alerto.

Facebook Comments