DOH, umaasang hindi itutuloy ng mga pribadong ospital ang pagbawi ng kanilang PhilHealth Accreditation

114

Umaasa ang Dept. of Health (DOH) na hindi itutuloy ng mga osptial na miyembro ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) ang kanilang bantang babawiin ang kanilang PhilHealth Accreditation.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, maraming pasyenteng maaapektuhan nito.


Duda ang kalihim na gagawin ng mga pribadong ospital ito dahil magiging ‘lose-lose’ situation lamang ito.

Aniya, hindi nababayaran ng maayos ang mga ospital dahil sa kakulangan ng mga maayos na dokumento.

Aminado ang DOH na may problema pero hindi ito maituturing na krisis.

Facebook Comments

From Advertisers