Umaasa ang Department of Health (DOH) na hindi na itutuloy ng mga health workers ang banta nilang mass resignation.
Kasunod na rin ito ng nakatakdang pag-release ngayong araw ng Department of Budget and Management (DBM) ng Special Allotment Release Order (SARO) para maipamahagi na ang Special Risk Allowance (SRA) ng mga health worker sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila kay Health Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire, umaasa silang makikita ng mga health worker ang ginagawa ng DOH para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Batay sa pagtataya ng DOH, nasa 20,156 health care workers sa bansa ang makakatanggap ng SRA, pero depende ito sa direct care nila sa isang COVID-19 patient.
Kasabay nito, sinabi ni Vergeire na handa sila tulungan ang mga health care workers na hindi masasakop ng SRA.