Dapat sundin ng Cebu provincial government ang polisiya ng pamahalaan ukol sa mga paparating na pasahero.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang protocol na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay dapat pa ring sundin.
Malinaw aniya na ano pa man ang IATF protocols ay mahalagang ipatupad ito sa lahat ng border ng bansa.
Hindi maaaring inconsistent ang border controls ng bansa, kailangang “uniformed” ito sa lahat ng rehiyon.
Ang Department of Health (DOH) ay nakatakdang makipagpulong sa mga opsiyal ng Cebu province para pag-usapan ito.
Nabatid na ang polisya ng Cebu province ay isalang sa test ang mga returning overseas Filipinos pagkadating sa airport, at kapag negatibo ay papayagan silang mag-home quarantine.
Ang polisiya naman ng pamahalaan, dapat dumaan sa 14-day quarantine – 10-araw sa accredited facility at apat na araw na home quarantine.