DOH, umapela sa mga mambabatas na suportahan ang pagpapasa sa sin tax bill

Manila, Philippines – Umapela si Health Secretary Francisco Duque III sa mga mambabatas na ipasa ang panukalang magtataas ng buwis sa sigarilyo.

Kasunod ito ng pagsasabatas sa Universal Health Care Bill.

Ayon kay Duque – malaking bahagi ng pondong gagamitin para sa implementasyon ng panukala ay nakasalalay sa sintax bill.


Tinatayang P257-billion ang kinakailangan para mapondohan ang batas pero P217-billion lang ang nailaan para rito sa ilalim ng proposed 2019 national budget.

Ayon pa sa kalihim, noong una ay nangangampa siya sa P40-billion budget cut pero mukhang may mahahanap aniya na pondo para mapunan ito.

Tiniyak din ni Duque na ipa-prayoridad ng ahensya ang mga mahihirap at nakatira sa mga liblib na lugar.

Gayunman, hindi aniya tamang isipin na maipatutupad ang Universal Health Care Bill “overnight” o agad-agad pagkatapos ng 180 days na palugit sa pagbuo ng IRR.

Facebook Comments