Humingi ang Department of Health (DOH) sa publiko ng kaunting pasensya sa harap ng pagkakaantala ng pagdating ng COVID-19 vaccines.
Pagtitiyak ni Health Secretary Francisco Duque III na darating ang mga bakuna.
Iginiit ng kalihim na mayroong global supply shortage kaya nagkakaroon ng delay sa vaccine delivery.
Aabot sa 130 bansa ang hindi pa nakakapagsimula ng kanilang vaccine rollout.
Lumabas din sa mga ulat na 10 bansa ang halos gumamit ng mayorya ng mga bakuna.
Matatandaang ipinagkaloob na ng Food and Drug Administration (FDA) sa Sinovac vaccines ang Emergency Use Authorization.
Facebook Comments