Manila, Philippines – Nakalabas na kahapon ang huling apat na pasyente na inisolate ng Department of Health (DOH) makaraang kakitaan ng sintomas ng flu matapos ang direktang exposure sa mga infected poultry farms sa Pampanga at Nueva Ecija.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial, agad rin pinauwi ang mga ito at pinabaunan ng anti-viral med makaraang mag negatibo sa isinagawang test.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang kalihim sa publiko na hindi dapat matakot sa pagkain ng mga poultry products dahil mahirap maisalin sa tao ang bird flu.
Ang nangyari aniya sa Pampanga at Nueva Ecija ay patunay lamang ng kahandaan ng Pilipinas na ma- detect at masugpo ang birdflu bago makahawa sa tao.
Facebook Comments