Inanunsyo ng Department of Health (DOH), na wala pa ring na-detect ang University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC) at ang University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) na Omicron (B.1.1.529) variant ng COVID-19 mula sa 48 samples na isinailalim sa pagsusuri.
Sa halip, 38 Delta variants ang nasuri mula sa 48 samples habang ang iba ay walang volatile organic compounds ng lineages
Ang naturang mga sample ay kinuha mula sa 12 Returning Overseas Filipinos (ROFs) at ang 36 ay local cases mula sa mga lugar na may high-risk average daily attack rates at case clusters.
Ang returning Overseas Filipinos na nakitaan ng Delta variant ay may travel history mula sa Turkey, Jordan, Mexico, Netherlands, Panama at Peru.
Habang ang local cases ay mula sa Cagayan Valley Region, Cordillera Administrative Region, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, SOCCSKSARGEN, National Capital Region, Central Luzon, CALABARZON at Davao Region.
Sa ngayon, umaabot na ang total Delta variant cases sa bansa sa 7,886.