DOH, wala pang balak magdeklara na kontrolado na ang COVID-19 sa bansa

58

Wala pang balak ang Department of Health (DOH) na magdeklara na kontrolado na ang COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy pa aniya silang nakikiramdam sa sitwasyon.

Sinabi ni Vergeire na sa ngayon ay nakikipag-ugnayan pa aniya sila sa World Health Organization (WHO).


Partikular aniyang inaalam nila sa WHO ang mga proseso hinggil sa disease control o containment.

Ang paglilinaw ng DOH ay sa harap ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments