Desisyon kung papayagan ang mga bata sa malls, dapat ipaubaya sa IATF at health experts

71

Para kay Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go, dapat ipaubaya sa Inter-Agency Task Force o IATF at health experts ang pagpapasya kung dapat nang payagan ang mga bata na magtungo sa mga malls.

Diin ni Go, mainam na pag-aralang mabuti kung papayagan nang lumabas ang mga bata dahil delikado pa ang panahon.

Pinayuhan din ni Go ang sambayanan na huwag magmadali dahil sayang naman ang naumpisahan kung saan maganda na ang COVID-19 response ng bansa.


Binigyang diin ni Go na unahin muna ang pagsiguro na ma-contain na ang COVID-19 sa bansa at makamit ang herd immunity.

Dagdag pa ni Go, sa ngayon ay nasa 135 million doses na ang dumating sa bansa habang inaasahang aabot pa ito ng 150 million doses bago matapos ang taon.

Dahil dito ay umaasa si Go na mababakunahan na ang halos 70 million ng populasyon.



Facebook Comments