DOH, wala pang inilalabas na panuntunan sa pagtuturok ng 2nd booster sa iba pang sektor

Wala pang panuntunan ang Department of Health (DOH) para sa expanded coverage o pagpapalawig ng sektor na matuturukan ng ikalawang booster ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, nakikipag-ugnayan na sila sa Food and Drug Administration (FDA) para mapabilis ang evaluation sa pagbibigay ng 2nd booster shots sa iba pang sektor.

Sa ngayon kasi ang ikalawang booster shot ay nakalaan pa lang sa healthcare workers, nakatatanda at mga adult na immunocompromised.


Target ng DOH na makapagturok ng 23 milyong COVID-19 booster shots sa loob ng unang 100 araw ng bagong administrasyon.

Facebook Comments