Tiniyak ng Department of Health (DOH) na wala pa silang nade-detect na kaso ng recombinant variants ng COVID-19 na XD, XE at XF sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa pinakahuling genome sequencing noong nakaraang buwan, 80% ng samples ay positibo sa Omicron habang dalawa kaso ang Delta variant, na naitala sa Cagayan Valley at Western Visayas.
Aminado naman si Vergeire na hindi ganon kalawak ang genome sequencing sa bansa kung kaya’t wala ring kasiguraduhan kung hindi pa nakakapasok sa bansa ang mga naturang recombinant variants.
Nabatid na ang XE ay inilalarawan na may 10 porsiyentong bilis na transmissibility kaysa sa Omicron.
Facebook Comments