DOH, wala pang natatanggap na ulat kaugnay sa accidental COVID-19 vaccine mixing sa Davao at Mandaluyong

Wala pang natatanggap na ulat ang Department of Health (DOH) kaugnay sa nangyaring accidental COVID-19 vaccine mixing sa Davao at Mandaluyong.

Pero ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensiya sa mga regional office ng DOH upang magkaroon ng imbestigasyon at ugnayan sa mga vaccination sites.

Patuloy naman ang apela ni Vergeire sa mga nagpapabakuna na suriing mabuti ang mga bakunang ituturok para maiwasan na ang accidental COVID-19 vaccine mixing.


Matatandaang batay sa guidelines, dapat isang vaccine brand lamang ang mayroon sa site, at kapag naturukan ang isang indibidwal ng magkakaibang brand ay dapat siyang i-monitor sa posibleng adverse effects.

Facebook Comments