DOH, walang naitalang nagkaroon ng side effect sa unang araw ng pediatric COVID-19 vaccinations

Walang naitala ang Department of Health (DOH) na nagkaroon ng side effect sa mga kabataan na may comorbidity na nabigyan nang COVID-19 vaccine.

Ito ay kasabay ng unang araw ng pediatric vaccination nitong Oktubre 15.

Ayon kay DOH National Capital Region (NCR) Director Dr. Gloria Balboa, naging maayos ang naging proseso sa pediatric vaccination at walang nagkaroon ng side effect.


Sa kabila nito, tiniyak ni Balboa na nakahanda ang mga ospital na kasama sa pediatric vaccination kung magkaroon ng untoward incident.

Una nang sinabi ng DOH na umabot sa 1,151 na mga kabataan na may comorbidity ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Karamihan sa mga ito ay nabakunahan sa Philippine Heart Center, Makati Medical Center, St. Luke’s Medical Center-Global City, at Pasig City Children’s Hospital.

Facebook Comments