Nababahala ang Department of Health-Western Visayas sa lumalaang hawaan ng COVID-19 asymptomatic cases sa kanilang rehiyon.
Ayon kay DOH-Western Visayas Center for Health Development Medical Officer III Dr. Daphynie Teorima, mas nakakabahala ang mga asymptomatic cases dahil mas malaki ang tiyansang makapanghawa ang mga ito.
Sa ngayon, nakapagtala ang rehiyon 13,539 active cases kung saan 45.31% asymptomatic, 48.46% ang mild cases, 1.79% severe at 0.13% ang critical cases.
Aniya, ang tumataas na kaso ay indikasyon na hindi nag-iingat at hindi sumusunod sa ipinapatupad na minimum health protocols.
Habang isa rin sa mga itinuturong dahilan ng pagkalat ng nasabing sakit ay ang hindi pagpapa-test at pag-uulat ng kanilang kalagayan dahil sa takot na mahinto ang paghahanap-buhay.
Matatandaang inilagay sa Alert Level 3 ang Western Visayas pagdating sa healthcare utilization.