DOJ, aminadong wala nang panahon ang task force para silipin ang senate report hinggil sa mga anomalya sa PhilHealth

Wala nang panahon ang task force na nag-iimbestiga sa mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na silipin ang report na ginawa ng Senate Blue Ribbon Committee.

Nabatid na nakatakdang isumite ng Task Force PhilHealth ang report nito at mga rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa September 14.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, convenor ng Task Force PhilHealth, medyo nahihirapan na sila at kulang na ang kanilang oras.


Aniya, huli na nang matanggap nila ang kopya ng Senate report dahil tinatapos na nila ang kanilang sariling imbestigasyon.

Inalam sa Blue Ribbon Committee Report ang iba pang insidente ng korapsyon sa ahensya at gumamit ng ibang mga tao.

Gayumpaman, tiniyak ni Guevarra na nagamit nila ang report ng Senate Committee of the Whole hinggil sa mga corrupt activities sa PhilHealth.

Patuloy ring mag-iimbestiga ang composite teams na binuo ng task force.

Batay sa Senate Blue Ribbon Committee Report, inirerekomenda nito ang paghahain ng kaso laban kay Iloilo 1st District Representative at dating Health Secretary Janette Garin kasama sina dating Budget Secretary Florencio Abad at dating PhilHealth Chief Alexander Padilla dahil sa kwestyunableng multi-billion pesos barangay health center program.

Facebook Comments