DOJ at NBI, bubuo ng maritime investigation unit laban sa maritime crimes

Bubuo ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ng hiwalay na unit na tututok sa pag-iimbestiga sa maritime crimes.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, napapanahon na ang pagbuo ng maritime investigation unit dahil walang nakatutok sa pagsisiyasat sa mga nasabing krimen.

Ito’y sa gitna ng mga pinsala sa kalikasan at kabuhayan ng mga tao na dulot ng oil spill sa Oriental Mindoro at iba pang mga lugar.


Nabatid na hanggang sa ngayon ay hindi pa naisasampa ang environmental crimes cases laban sa mga may-ari ng lumubog na MT Princess Empress.

Tiniyak naman ng DOJ na inihahanda na nito ang mga kaso laban sa may-ari ng barko at sa mga opisyal ng pamahalaan na dapat managot sa insidente.

Facebook Comments