MANILA – Nakatakdang kausapin ngayong araw ng Department of Justice at National Bureau of Investigation si Kerwin Espinosa.Sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na personal siyang tinawagan ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa para hingiin ang tulong ng kagawaran sa pagkuha ng affidavit ni Kerwin.Ayon kay Aguirre – posibleng draft pa lang ang sinumpaang salaysay ni Kerwin kaya hiningi ang kanilang tulong ng Philippine National Police (PNP).Iginiit ni Aguirre ang kahalagahan ng affidavit ni Kerwin na aniya’y makakatulong sa pagpapatuloy ng mga imbestigasyon ukol sa paglaganap ng iligal na droga sa bansa.Magugunita na batay sa affidavit ng ama ni Kerwin na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, maraming opisyal ng gobyerno ang sangkot umano sa drug trade sa Pilipinas, kabilang na raw si Senator Leila De Lima, bagay na pinasinungalingan naman ng Senadora.Si Kerwin ay nakatakdang imbitahan sa Senado sa darating na Miyerkules para sa ilulunsad na pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights.
Doj At Nbi – Nakatakdang Kausapin At Kuhanan Ng Sworn Affidavit Si Kerwin Espinosa
Facebook Comments