Iginiit ng isang consumer group na hindi lamang dapat ang Department of Energy (DOE) ang sisihin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Laban Konsyumer President Atty. Vic Dimagiba na mayroon ding kakayahan ang Philippine Competition Commission para makontrol ang taas presyo sa langis pero nananahimik lamang ang mga ito.
Bukod diyan, maaari din aniya itong imbestigahan ng Department of Justice sa ilalim ng Oil Deregulation Law.
Una nang hiniling ng DOE sa Kongreso na amyendahan ang Oil Deregulation Law para magkaroon sila ng kapangyarihan na mapigilan ang oil price increase.
Facebook Comments