DPWH, magsasagawa ng road reblocking ngayong weekend

Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs, sa ilang mga kalye simula mamayang alas -11 ng gabi, Oct. 29 hanggang November 2.

Ang mga lugar na apektado ay ang EspaƱa Boulevard, C.P Garcia Francisco St., hanggang Aguinaldo St., sa 2nd lane mula sa sidewalk, EDSA, Quezon City, pagkalampas ng Anapolis St., hanggang bago mag -Boni Serrano flyover northbound, apektado ang 3rd lane mula sidewalk at EDSA Tramo flyover, Pasay City.

Ang mga apektadong kalye ay maaari nang daanan sa Martes ng alas -5 ng umaga Nov 2.


Pinayuhan ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta upang hindi maabala sa kanilang paroroonan.

Facebook Comments