Manila, Philippines – Bukas ang Department of Justice (DOJ) sa pagsasailalim kay Janet Napoles sa Witness Protection Program (WPP).
Ayon kay Justice secretary Vitaliano Aguirre II, wala siyang nakikitang balakid para maisailalim sa WPP si Napoles.
Kinumpirma ni Aguirre na may nagkukumbinse na kay Napoles para magsalita hinggil sa kanyang nalalaman sa PDAF Scam.
Aniya, hindi pa tapos ang imbestigasyon sa nasabing katiwalian at may mga sangkot pang hindi nakakasuhan.
Ang inuna lamang aniya kasing i-audit ng nakalipas na administrasyon ay ang mga kalaban nito tulad nina dating Senador Juan Ponce Enrile, Ramon “Bong” Revilla, at Jinggoy Estrada.
Facebook Comments