DOJ, bumuo na ng panel of prosecutor na hahawak sa kaso ng 17 pulis na sangkot sa “Bloody Sunday” sa Nasugbu, Batangas

Itinalaga na ng Department of Justice (DOJ) ang panel of prosecutors na magsasagawa ng preliminary investigation sa murder complaint laban sa 17 pulis na sangkot sa “Bloody Sunday” operation sa Nasubgu, Batangas noong March 7.

Ayon kay Assistant State Prosecutor Honey Rose E. Delgado, tagapagsalita ng DOJ’s Office of the Prosecutor General (OPG), mismong si Prosecutor General Benedicto Malcontento ang nagtalaga ng mga prosecutor na bubuo sa panel.

Aniya, hindi pa nabibigyan ng subpoena ang 17 pulis dahil wala pang lugar kung saan isasagawa ang preliminary investigation.


Ang nasabing mga pulis ang itinuturong pumatay sa mag-asawang sina Ana at Ariel Evangelista kasabay ng kanilang ikinasang operasyon laban sa komunistang grupo sa Southern Tagalog.

Ang pagkamatay ng mga bitkima ay inimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) na miyembro ng Inter-Agency Committee on Extra-Legal Killings, Enforced Disappearances, Torture and Other Grave Violations of the Right to Life, Liberty and Security of Persons.

Maliban sa mag-asawa, nasawi rin sa operasyon ng Region 4-A police ang pitong iba pa.

Facebook Comments