PDL na binaril ng tumakas na preso sa NBP, pumanaw na

675

Pumanaw na ang isang Person Deprived of Liberty (PDL) makaraang barilin ng tumakas na preso sa New Bilibd Prison (NBP) sa Muntinlupa City nitong Enero 17.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Deputy Director General Gabriel Chaclag, nabaril ang PDL dahil tumanggi itong buksan ang gate ng kulungan.

Aniya, lalaya na sana ngayong buwan ang nasabing PDL.


Sinabi naman ni Chaclag na maayos na ang kondisyon ng dalawa nilang personnel habang ang dalawa ay patuloy pang inoobserbahan.

Patuloy naman ang pagtugis ng mga otoridad sa dalawang inmate na nakatakas sa NBP na nakilalang sina Chris Ablas at Drakilou Falcon.

Nauna nang napatay sa shootout ang dalawa sa mga puganteng sina Pacifico Adlawan at Arwin Bio.



Facebook Comments