DOJ, bumuo ng special panel of prosecutors para tutukan ang kaso ng napaslang na dating publisher ng Catanduanes News Now na si Larry Que

Manila, Philippines – Bumuo ang Department of Justice ng special panel of prosecutors para tutukan ang kaso ng napaslang na dating publisher ng Catanduanes News Now na si Larry Que.

Ito ang inihayag ni Justice Assistant Secretary Juvy Manwong sa pakikipagpulong nito sa Presidential Task Force on Media Security na nakatutok sa media killings.

Matatandaang si Larry Que ay pinagbabaril ng hindi pa tukoy na mga salarin nuong Dec 2016 habang papasok sa kanyang trabaho.


Nabatid na bago mapatay ang biktima ibinulgar nito ang umano’y illegal drug activities sa Catanduanes.

Una nang naghain ng kasong murder ang common-law wife ni Larry na si Edralyn Pangilinan sa DOJ laban kina Catanduanes Governor Joseph Cua, PO1 Vincent Tacorda, Prince Lim Subion, at 2 iba pa na sinasabing mga utak sa pagpatay sa biktima.

Facebook Comments