DOJ, dudulog sa senado para makuha ang buong kontrol sa BuCor

Aminado ang Department of Justice (DOJ) na wala sa kanila ang buong kontrol sa Bureau of Corrections (BuCor) bagamat isa ang BuCor sa ilalim ng superbisyon ng kagawaran.

Ayon kay Justice Spokesman Undersecretary Markk Perete, makukuha lamang nila ang buong kontrol sa BuCor kung maipapasa ang batas na magbababasbas para maisailalim sa DOJ ang pagpapatakbo sa mga national penitentiary kabilang na ang Bucor.

Sa ngayon aniya kasi ang tanging kapangyarihan lamang ng DOJ sa BuCor ay administrative function at wala silang kontrol sa pamamalakad at pagpapalaya sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) na nakatapos na ng kanilang sentensya.


Inihayag pa ni Perete na ang sole jurisdiction lamang sa pagrebisa sa mga time conduct allowances ng PDLs at pagpapasya na sila ay maari ng palayain ay nasa Bucor Director.

Una nang nakuwestyun ang DOJ dahil sa pagkakapalaya ng BuCor sa mga tinaguriang high profile inmates nang hindi nalalaman ng DOJ bagamat nasa ilalim nito ang pamamahala sa BuCor.

 

Facebook Comments