DOJ, dumipensa sa mabagal na pag-usad ng kaso ng masaker sa Negros Oriental

Nagpaliwanag si Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin Remulla sa sinasabing mabagal na usad ng imbestigasyon sa masaker sa Negros Oriental.

Ayon kay Remulla, sinusunod kasi ng DOJ ang proseso dahil kung mamadaliin ay maaaring makaapekto ito sa pagsusulong ng kaso.

Hindi rin aniya maaaring maglabas agad ng Warrant of Arrest hangga’t walang naisasampang kaso.


Sinabi pa ni Remulla na kailangan munang ma-build up o mabuo ang mga mahalagang impormasyon sa insidente bago maghain ng kaso at makapagpalabas ng warrant.

Facebook Comments