Ilang paaralan sa Pangasinan, magsasagawa muna ng modular classes ngayong linggo dahil sa matinding init ng panahon

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) Schools Division II ng Pangasinan na hindi muna magpapatupad ng face-to-face classes ang mga pampublikong paaralan sa lalawigan dahil sa matinding init ng panahon.

Sa inilabas na kautusan, ipatutupad muna ang modular distance learning sa mga paaralan mula kahapon, April 24 hanggang Sabado, April 29.

Ayon kay Schools Division Superintendent Lorna Bugayong, patuloy na nagbibigay ng perwisyo at banta sa mga mag-aaral at guro ang matinding init.


Nasa desisyon naman ng pamunuan ng private schools kung susunod din sila sa nasabing kautusan.

Facebook Comments