Handa ang Department of Justice (DOJ) na pagdesisyunan ang gusot sa pagitan ng Department of National Defense (DND) at University of the Philippines (UP) hinggil sa unilateral abrogation ng 1989 accord.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sisilipin nila ang anumang request para sa legal opinion at administrative adjudication o settlement sa ilalim ng revised administrative code.
Sa ilalim nito, ang lahat ng sigalot sa pagitan ng government entities ay iaakyat sa DOJ, Office of the Solicitor General o Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).
Pero sinabi ni Guevarra na hindi pa humihingi ang DND o ang UP ng legal opinion mula sa DOJ.
Sa ilalim ng UP-DND accord, pinagbabawalan ang mga pulis at sundalo na pumaso sa UP campuses na walang koordinasyon sa pamunuan ng unibersidad.