DOJ, hindi ilalagay sa witness protection program si Mary Jane Veloso

Hindi ilalagay si Mary Jane Veloso sa witness protection program ng Department of Justice (DOJ).

Iyan ang nilinaw ni Justice Undersecretary Raul Vasquez sa katatapos lamang na presscon sa Correctional Institution for Women.

Ayon kay Usec. Vasquez na ang isang indibidwal ay hindi dapat hinatulan upang maisama sa witness protection program.


Ang nasabing witness ay para sa Qualified Human Trafficking na ikinaso sa recruiter ni Mary Jane.

Ngunit inihayag ni Usec. Vasquez na maaring makilahok at tumestigo si Mary Jane sa nasabing kaso laban sa mga recruiter nito.

Facebook Comments