Pinatitiyak ng Department of Justice (DOJ) sa mga Local Government Unit (LGU) na nasusunod ang health protocols lalo na sa pagsasagawa ng pagbabakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, binigyan ng national task force ang mga LGUs ng kalayaan sa paraan ng pagsasagawa ng vaccination programs, pero kailangan pa ring sundin ang minimum health protocols sa vaccination sites para maiwasan ang anumang transmission ng COVD-19 virus.
Ang panawagang ito ng DOJ ay kasunod ng mga ulat na maraming tao na ang pumipula sa vaccination sites sa Maynila kahit madaling araw.
Iginiit ni Guevarra na ang malaking pagtitipon ay paglabag sa social distancing at pagpapatupad ng curfew hours.
Dapat magpatupad ng corrective at preventive action ang mga LGUs hinggil dito.