Pagsusuot ng face shield, inirerekomenda pa rin ng DOST

Patuloy pa ring irerekomenda ng Department of Science and Technology (DOST) ang paggamit ng face shields sa mga pampublikong lugar para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, dapat magpatuloy ang pagsusuot ng mga tao ng face shields, batay na rin sa rekomendasyon ng DOST-Philippine Council for Health Research and Development.

Para naman kay Dr. Nina Gloriani ng DOST Vaccine Experts Panel, dapat pang habaan ng mga tao ang kanilang pagtitiis at sundin ang minimum health standards na itinatakda ng pamahalaan.


Hinihikayat din ni Gloriani ang lahat na magpabakuna.

Facebook Comments