DOJ, hiniling na mailipat na rin sa Metro Manila ang ina ng Maute brothers na si Ominta Maute; Pagkakaroon ng special courts sa labas ng Mindanao, muling iginiit

Manila, Philippines – Hihilingin ng Department of Justice (DOJ) na mailipat kaagad sa Metro Manila ang nahuling ina ng Maute brothers na si Ominta Maute alyas Farhana.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, kailangang mailipat si Ominta para maiwasan ang tangkang pagliligtas ng mga rebelde rito.

Mayroon kasi aniyang matinding koneksyon si Ominta sa international terrorist group kaya hindi malabong gumawa ang mga ito ng paraan upang maitakas ito.


Samantala, magsasagawa ang DOJ ngayong hapon inquest proceedings laban 15 miyembro ng Maute Group sa Camp Evangelista sa Cagayan De Oro City.

Kabilang sa mga prosecutors na didinig sa kaso ay mula sa Cagayan De Oro at Manila.

Sinabi ni Aguirre na dahil sa dami ng mga personalidad na kailangang imbestigahan ay kailangang magkaroon din ng mas maraming special courts sa labas ng Mindanao.

DZXL558

Facebook Comments