Sampung marines na nasawi sa bakbakan sa Marawi City, ginawaran ng full military honors sa Taguig City

Taguig City – Binigyan ng full military honors at nagdaos pa ng isang misa para sa mga namatay na miyembro ng Philippine Marines sa headquarters sa Taguig City.

Maliban sa kaanak ng mga nasawi ay dumalo rin ang mga dating heneral na sina Rodolfo Biazon at Alexander Balutan at Si Vice President Leni Robredo.

Pagkatapos ng misa ay ginawaran ang mga namatay na mga miyembro ng Philippine Marines ng military merit medal.


Ayon kay Major Gen. Emmanuel Salamat, commandant ng Philippine Marines – pwede pang tumaas ito depende sa naging partisipasyon nito at magiging rekomendasyon.

Dagdag pa niya, mayroong financial assistance at scholarship grant na ibibigay sa mga kapamilya ng mga nasawing marines.

Nagkaroon naman ng viewing para sa mga opisyal at miyembro ng Philippine Marines at iba pang mga bisita.
DZXL558

Facebook Comments