DOJ, hiniling sa Korte Suprema na ilipat na sa Metro Manila ang kaso ng magkapatid na Parojinog

Manila, Philippines – Hiniling sa Korte Suprema ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na ilipat sa Metro Manila ang paglilitis sa kaso nina Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog at kapatid nitong si Reynaldo Jr.

Ang mga kasong illegal possession of firearms and ammunition, at illegal possession of dangerous drugs laban kay Nova Parohinog ay nakasampa sa sala ni Judge Edmundo Pintac ng Ozamiz RTC Branch 15.

Ang mga kaso naman ni Reynaldo Parohinog Jr. na possession of dangerous drugs, illegal possession of firearms and ammunition and illegal possession of explosives, ay pending sa sala ni Judge Salome Dungog ng Ozamiz RTC Branch 35.


Iginiit ni Aguirre sa kanyang liham kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na mas praktikal kung ililipat na lamang sa Metro Manila ang pagdinig sa kaso ng magkapatid na Parojinog.

Facebook Comments