Saturday, February 7, 2026

DOJ-IACAT, hiniling sa mga biktima ng human trafficking sa Cambodia na makipagtulungan sa kanilang imbestigasyon

Nanawagan si Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty sa mga biktima ng human trafficking sa Cambodia na makipagtulungan sa imbestigasyon ng Inter-Agency Council Against Trafficking.

Ito para mas mapabilis ang kanilang paghabol sa mga illegal recruiter.

Partikular na nanawagan ang DOJ-IACAT sa mga dumating sa bansa nitong nakalipas na linggo matapos marescue at makatakas sa scam centers sa Cambodia.

Tiniyak din ng IACAT na kanilang sisiguraduhin na mabigat ang mga kasong kanilang isasampa laban sa human traffickers.

Facebook Comments